Keith Thurman, hindi dapat magpakakumpyansa sa darating na tapatan nila ni Manny Pacquiao

By Marlene Padiernos June 22, 2019 - 09:24 PM

Photo from Sen. Manny Pacquiao

Hindi dapat maging overconfident si Thurman sa magiging laban nila ng ating pambansang kamao na si Manny Pacquiao.

Ito ay ayon sa pahayag ni Mayweather Promotions CEO Leonard Ellerbe.

Ayon pa rito, batay sa kanyang  mga pansariling karanasan ay iba umano ang pakiramdam ng isang boksingero lalong lalo na kapag ito ay nasa loob na ng boxing ring.

Aniya, ay dapat na patunayan na lamang ni Thurman ang kanyang pantatrash talk kay Pacman hanggang sa gabi ng kanilang paghaharap.

Dagdag pa nito, ay mas madali raw sabihin kaysa gawin na tatalunin ng nakababatang boksingero ang ating pambansang kamao.

Ani pa ni Ellerbe, ang trash talking na ginagawa ni Thurman ay maaari pang gawing motivation ni Pacquiao upang magwagi sa kanilang nalalapit na bakbakan.

Bukod pa dito, giniit din ni Senator Manny Pacquiao na mas naging determinado pa raw siya na ipakita kay Thurman ang kanyang mga kayang gawin sa loob ng ring at patanuyan dito na nagkamali ito nang sabihing pagreretiruhin niya ang filipino boxing legend. (END/MP)

TAGS: Keith Thurman, manny pacquiao, Mayweather Promotions CEO Leonard Ellerbe, Keith Thurman, manny pacquiao, Mayweather Promotions CEO Leonard Ellerbe

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.