Thunderstorm sa Bataan, Pampanga, Cavite at Nueva Ecija asahan ayon sa PAGASA
Naglabas ng Thunderstorm advisory ang PAGASA na uulanin mula mahina hanggang lalakas na may kasamang pag kulog at malakas na hangin ang Bataan, Pampanga, Cavite at Nueva Ecija sa susunod ng isa hanggang dalawang oras.
Mararansan din ito sa Metro Manila, partikular sa Marikina, ilang lugar sa Rizal tulad ng San Mateo, Antipolo at Rodriguez.
Kasama rin ang Bulacan tulad ng Dona Remedios Trinidad, San Ildefonso at San Rafael at sa San Felipe, San Narciso at Cabangan ng Zambales.
Tatagal ang pag-ulan sa loob ng isa hanggang dalawang oras na posible makaapekto sa mga karatig na lugar.
Base sa tala ng PAGASA wala pa namang nakikitang namumuong bagyo sa ibang bahagi ng bansa.
Pinag-iingat naman ang publiko sa posibleng flash flood at landslides na dulot ng nasabing pag-ulan. / (NT)
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.