Apat na drug suspek arestado sa buy-bust operation ng Quezon City Police

By Noel Talacay June 22, 2019 - 09:01 PM

Timbog ang 4 na lalaking drug suspek matapos ang ikinasang buy-bust operation ng Quezon City Police District o QCPD.

Nakilala ang mga suspek na sina Roel Catintay, 53-anyos, tricycle driver, Hernan Jimenez, 51-anyos, tricycle driver, Rodel Garcia, 44-anyos, walang trabaho at Nickronel Sapra, 31-anyos, isang service crew.

Nakuha sa mga suspek ang labing isang pirasong maliliit na transparent plastic sachet na hinihinalang shabu na may tinatayang timbang dalawang gramo at nagkakahalaga ng P13,600.00 at isang pirasong P500.00 na buy-bust money.

Bandang alas-11:50, Biyernes ng gabi, June 21, pinuntahan ng pinagsanib pwersa ng QCPD Station Drug Enforcement Unit at Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang isang bahay sa Brgy. Gulod Novaliches Quezon City, nang makumpera ng police asset na may bentahan ng droga agad nilang sinugod ang ang bahay dahilan sa pagka aresto ng apat na suspek.

Nakakulong na sa Novaliches Police Station 4 ng Quezon City ang mga suspek at mahaharap sila sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 | (NT)

TAGS: Novaliches Police Station, Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA, QCPD, QCPD Station Drug Enforcement Unit, Novaliches Police Station, Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA, QCPD, QCPD Station Drug Enforcement Unit

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.