Dating Makati City Mayor Junjun Binay inireklamo ng plunder sa Ombudsman
Ipinagharap ng reklamong plunder sa Office of the Ombudsman ni Atty. Renato Bondal ang nasuspinding alkalde ng Makati City na si Junjun Binay.
Kaugnay ang reklamo si maanomalyang Information Technology contract na pinasok ng Makati City Hall sa ilalim ng panunungkulan ni Binay.
Base sa pitong pahinang reklamo ni Bondal aabot sa P828M ang halaga ng proyektong ibinigay ng batang Binay sa kanilang mga dummy company.
Napatunayan anya sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee na niluto ang mga bidding upang mapunta sa Codeworks at Powerlink ang kontrata na paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Anti Plunder Law.
Bukod kay Binay kasama rin sa reklamo ang mga opisyal at kinatawan ng nasabing mga kumpanya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.