2 nursing graduates naghati bilang topnotcher sa licensure exam

Inquirer file photo

Pinaghahatian ng dalawang nursing graduate ang top 1 spot sa inilabas na resulta ng June 2019 Nurse Licensure Examination ayon sa Professional Regulation Comission (PRC).

Ang dalawang topnocher ay sina Jeremiah Austria Caceres mula sa Angeles University Foundation at Almira Louise Olete Hinsoy ng West Visayas State University-La Paz.

Nakakuha ng parehong marka ang dalawa na 87.90%.

Nasa 5,059 naman ang nakapasa sa pagsusulit sa 9,691 na kabuuang bilang ng mga kumuha nito.

Umabot sa 42 sa mga kumuha ng exam ay nakapasok sa top 10 at 11 rito ay mula sa West Visayas State University-La Paz.

Read more...