Panelo: Del Rosario nagkamali sa paggamit ng diplomatic passport
Naniniwala si Presidential Spokesperson Salvador Panelo na “misused” ang paggamit ni dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario sa kanyang diplomatic passport.
Reaksyon ito ni Panelo sa pagpigil kay del Rosario sa Hongkong Airport.
Ipinaliwanag ng kalihim na ang diplomatic passport ay isang prebilehiyo na ibinibigay sa isang dating opisyal ng pamahalaan.
Gayunman, ginagamit aniya ito sa mga “official trip” alinsunod sa Passport Section ng Department of Foreign Affairs.
Dagdag ni Panelo, ang biyahe ni del Rosario sa Hongkong ay wala aniyang kinalaman sa “government or foreign service” na dapat ay alam aniya ng dating kalihim.
Giit pa ng opisyal na may karapatan ang Hongkong na pagbawalang ang sinumang dayuhan na makapasok sa kanilang lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.