Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, huling namataan ang sama ng panahon sa layong 1,220 kilometro Silangan ng Mindanao.
Kung mamuong bagyo ang LPA, papangalanan itong ‘Dodong’.
Sa ngayon, ay nakakaapekto na ang trough o extension ng LPA sa Caraga at Davao Region kung saan mararanasan ang mga pag-ulan, pagkulot at pagkidlat.
Ang natitirang bahagi ng Mindanao, buong Luzon kabilang na ang Metro Manila at buong Visayas ay makararanas pa rin ng mainit at maalinsangang panahon na may posibilidad lamang ng mga pag-ulan, pagkulot at pagkidlat dulot ng localized thunderstorms.
Banayad hanggang sa katamtaman naman ang pag-alon sa mga baybaying dagat ng bansa kaya’t ligtas ang paglalayag.