LPA sa Silangan ng Mindanao papasok na ng PAR bukas
Papasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) bukas, June 23 ang binabantayang low pressure area (LPA) sa Silangan ng Mindanao.
Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, huling namataan ang sama ng panahon sa layong 1,220 kilometro Silangan ng Mindanao.
Kung mamuong bagyo ang LPA, papangalanan itong ‘Dodong’.
Sa ngayon, ay nakakaapekto na ang trough o extension ng LPA sa Caraga at Davao Region kung saan mararanasan ang mga pag-ulan, pagkulot at pagkidlat.
Ang natitirang bahagi ng Mindanao, buong Luzon kabilang na ang Metro Manila at buong Visayas ay makararanas pa rin ng mainit at maalinsangang panahon na may posibilidad lamang ng mga pag-ulan, pagkulot at pagkidlat dulot ng localized thunderstorms.
Banayad hanggang sa katamtaman naman ang pag-alon sa mga baybaying dagat ng bansa kaya’t ligtas ang paglalayag.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.