Administrasyong Aquino, sinisi sa ‘di pagkakapasa ng draft ng BBL
Walang ibang dapat sisihin ang administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III kundi sila mismo sa hindi pagkakapasa ng Bangsamoro Basic Law o BBL sa Kamara.
Ayon kay House Deputy Speaker Ronaldo Zamora, hindi kasi gumawa ng mga kaukulang na hakbang para i-rebisa ang burador o draft na magkatuwang na ginawa ng Government Peace Panel at ng Moro Islamic Liberation Front Peace Panel.
Sa kasalukuyang draft, hindi katanggap-tanggap sa minorya ani Zamora ang BBL.
Nagtapos ang sesyon ng Kamara nitong Miyerkules na hindi naipasa ang isa sa mga isinusulong na panukalang batas ni Pangulong Benigno Aquino III.
Naniniwala naman si House Speaker Sonny Belmonte na may sapat na panahon pa para ipasa ang BBL.
Ngunit ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, ang hangarin ng Aquino Administration na gawing legacy nito ang BBL ay makapipinsala.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.