Mga kumpanya ng langis naghain ng petisyong ihinto ang utos na ‘unbundling’ ng DOE

By Rhommel Balasbas June 22, 2019 - 05:18 AM

Naghain ang grupo ng mga kumpanya ng langis ng petisyon sa korte para ipahinto ang pagpapatupad sa kautusan ng Department of Energy (DOE) na ‘unbundling’ o paghimay sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Inihain ng Philippine Institute of Petroleum Inc. (PIP) sa korte sa Makati ang “Petition for Declaratory Relief with Application for a Temporary Restraining Order and/or Preliminary Injunction” laban sa Circular no. DC2019-05-0008 ng DOE.

Epektibo na ang nasabing circular sa June 29, 2019.

Sa utos na ‘unbundling’ obligado ang mga kumpanya ng langis na ipaalam sa DOE ang detalyadong computation at paliwanag sa dahilan ng pagbabago sa presyo ng langis.

Dapat mapaalam ang sa DOE ang adjustments sa petrolyo ng hindi lalampas ng alas-3:00 ng hapon isang araw bago ito ipatupad.

Para naman sa LPG, dapat mapaalam ng mga kumpanya ang price adjustment ng hindi lalampas sa katapusan pa ng buwan.

Ayon sa PIP, layon ng petisyon laban sa utos ng DOE na maprotektahan ang oil industry at ang publiko.

Ang utos ng unbundling ng DOE ay layong maipaalam sa publiko kung makatwiran ang price adjustments ng oil companies.

“The case vs. DOE is necessary to protect the industry and the public. As the fuel unbundling order becomes effective on 29 June 2019, we are likewise seeking injunctive relief to stop its implementation until the case is heard and decided on the merits DC2019-05-0008,” ayon sa pahayag ng PIP.

Ang mga kasapi ng PIP ay ang Chevron Philippines Inc., Isla LPG Corp., Petron Corp., Pilipinas Shell Petroleum Corp., PTT Philippines Corp., at Total Philippines Corp.

 

TAGS: DOE, ipahinto ang implementasyon, oil companies, Petisyon, produktong petrolyo, unbundling, DOE, ipahinto ang implementasyon, oil companies, Petisyon, produktong petrolyo, unbundling

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.