PRC nagrasyon na ng tubig sa isang ospital sa Maynila

Screengrab of PRC video

Nagsimula nang maghatid ng tubig ang Philippine Red Cross (PRC) sa mga ospital sa Metro Manila.

Ito ay kasunod ng utos ni PRC Chairman Richard Gordon na umasiste ang organisasyon sa napipintong water shortage sa Metro Manila dahil sa patuloy na pagbaba ng antas ng tubig sa Angat Dam.

Sa video na ibinahagi sa Facebook ng Red Cross, makikita ang dalawang water tanker na may lamang tig-10,000 litro ng malinis na tubig at dadalhin sa isang ospital sa Maynila.

Nauna nang sinabi ni Gordon na prayoridad ang mga ospital upang hindi maapektuhan ang health care services.

Mayroong 20 water tankers ang RPC sa Metro Manila.

Inaasahang ngayong araw ay sasadsad na sa 160-meter ‘critical level for domestic use’ ang antas ng tubig sa Angat Dam.

Read more...