50 pamilya nawalan ng bahay sa sunog sa Parañaque

Credit: Ronald Barraza Manicani

Aabot sa 20 bahay ang tinupok ng apoy sa 3rd alarm na sunog na naganap sa Sitio Gulayan, Brgy. Moonwalk, Paranaque City Biyernes ng hapon.

Ayon kay Fire Sr. Insp, Alexander Dale Baena, chief operations ng Parañaque Fire Station, tinatayang nasa 50 pamilya ang naapektuhan ng sunog.

Sa inisyal na imbestigasyon, 11:13 ng gabi, natanggap nila ang report at agad nila itong iniakyat sa First alarm.

agdating ng 11:38 ng gabi ay iniakyat na ito sa third alarm habang ideklarang fire out 12:43 Sabado ng umaga.

Umabot sa P150,000 ang halaga ng mga ari-arian na tinupok ng apoy, dalawang katao naman ang kinailangan ng paunang lunas matapos na masugatan at mahirapang huminga.

Read more...