Roach: Agresibong Pacquiao bumalik

By Len Montaño June 22, 2019 - 02:54 AM SHARE(S):

Masaya ang beteranong trainer na si Freddie Roach na muling nadiskubre ni Manny Pacquiao ang “aggressive form” nito isang buwan bago ang laban kay welterweight champion Keith Thurman.

Pumasok na si Pacquiao na final phase ng kanyang training bilang paghahanda sa laban kay Thurman sa July 20.

Ilang beses sinabi ni Thurman na siya ang tatapos sa boxing career ni Pacquiao.

Pero ayon sa pambansang kamao, ang trash talk ni Thurman ang lalong nagpalakas sa kanya sa pagsasanay.

Ang mga negatibong sinasabi anya ng kalaban ang mas nagbibigay sa kanya ng motivation para patunayan na hindi ito totoo.

Nadismaya naman si Roach sa mga komento ni Thurman.

Pero naniniwala ang award-winning coach na kahit nawala na ang killer instinct ni Pacquiao dahil sa kanyang relihiyon ay lalo naman ito naging agresibo sa ring.

 

TAGS: aggressive form, Freddie Roach, Keith Thurman, killer instinc, manny pacquiao, training, trash talk, aggressive form, Freddie Roach, Keith Thurman, killer instinc, manny pacquiao, training, trash talk

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.