Ayon sa pinakahuling weather advisory ng PAGASA araw ng Biyernes, namataan ang sama ng panahon sa layong 1,260 kilometro Silangan ng Mindanao.
Sa ngayon, ang trough o extension ng LPA ay nakakaapekto na sa Soccksargen at Davao Region kung saan nararanasan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.
Maalinsangan namang panahon ang mararanasan sa natitirang bahagi ng Mindanao.
Sa Luzon at Visayas ay umiiral pa rin ang ridge of High-Pressure Area (HPA) na nagdadala ng maalinsangang panahon na may posibilidad ng mga pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.
Inaasahang aabot pa sa mga susunod na araw ang may kainitang panahon hanggat nakararanas ang bansa ng monsoon break.