Trough ng LPA nakakakaapekto na sa ilang bahagi ng Mindanao
Inaasahang papasok sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong weekend ang low pressure area sa Silangan ng Mindanao.
Ayon sa pinakahuling weather advisory ng PAGASA araw ng Biyernes, namataan ang sama ng panahon sa layong 1,260 kilometro Silangan ng Mindanao.
Sa ngayon, ang trough o extension ng LPA ay nakakaapekto na sa Soccksargen at Davao Region kung saan nararanasan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.
Maalinsangan namang panahon ang mararanasan sa natitirang bahagi ng Mindanao.
Sa Luzon at Visayas ay umiiral pa rin ang ridge of High-Pressure Area (HPA) na nagdadala ng maalinsangang panahon na may posibilidad ng mga pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.
Inaasahang aabot pa sa mga susunod na araw ang may kainitang panahon hanggat nakararanas ang bansa ng monsoon break.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.