P3.2M halaga ng droga nakumpiska sa 5 lalaki sa Zamboanga del Sur

By Len Montaño June 22, 2019 - 01:52 AM

File photo

Arestado ang limang lalaki matapos makuhanan ng P3.2 milyong halaga ng droga sa Pagadian City, Zamboanga del Sur.

Kabilang sa mga naaresto ay ang pulis na si Sr. Master Sgt. Ricky Usman Sabturani na nakatalaga sa Basilan Provincial Police Office.

Ang iba pang naaresto ay sina Juna Anas Amis, Daniel Utap Hussain, Jam Madag Macaraya at Omar Utap Sadon.

Nasamsam sa mga suspek ang 18 pakete o 500 gramo ng droga at isang granada.

Ayon kay Jing Judilla, team leader ng PDEA Zamboanga del Sur, nalaman nila sa kanilang impormante na naghahanap ang mga suspek ng mabebentahan nila ng droga.

Kinasuhan na ang mga suspek ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 habang nahaharap ang pulis sa dagdag na kasong administratibo.

 

 

TAGS: 5 arestado, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Droga, granada, P3.2 milyong halaga, PDEA, Zamboanga Del Sur, 5 arestado, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Droga, granada, P3.2 milyong halaga, PDEA, Zamboanga Del Sur

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.