Ayon sa NWRB, nangangahulugan itong babawasan pa ang water supply para sa Metropolitan Water Works and Sewerage System (MWSS) na makakaapekto sa dalawang concessionaires sa Metro Manila.
Araw ng Biyernes ay nasa 160.28 meters ang lebel ng tubig sa Angat Dam at ngayong Sabado ay maaabot na nito ang critical level ayon kay NWRB Executive Director Sevillo David Jr.
“By tomorrow the 160-meter elevation, considered as the critical level for water supply, will be breached,” ani David.
Sinabi ni David na sakaling bumaba na sa 160 meters ang level ng tubig ngayong araw, ang alokasyon na 40 cubic meters per second ay gagawin na lamang 36 cubic meters.
Ang pagbawas ng supply para sa MWSS at concessionaires ay magreresulta naman sa mas matagal at malawak na water service interruptions.
Nauna nang sinabi ng mga ahensya ng gobyerno na posibleng madagdagan lamang ang suplay ng tubig sa Angat Dam sa Hulyo.