Duterte sa mga taga-Davao: ‘Bumuo ng ‘strong opposition’ sa kanyang mga anak’
Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa Davao City na bumuo ng “strong opposition” bilang hamon sa pamumuno ng kanyang mga anak.
Sa kanyang talumpati sa seremonya ng inagurasyon ng kanyang mga anak na sina Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at Vice Mayor Sebastian Duterte, muling tinalakay ng Pangulo ang tag na “political dynasty” sa kanyang pamilya na ngayon ay hawak ang mga pangunahing posisyon sa Davao City.
“People keep on repeating that phrase about dynasty…Totoo man’ yan, masama naman talaga na isang pamilya lang for so many years…Maybe after this, if my daughter Inday would decide, let us give others a chance. Kasi kung ang Duterte pa rin ang magtakbo, I’m sure, huwag lang siraan ang pangalan, mananalo pa rin ‘yan,” ani Duterte.
Pero kung sa tingin anya na ayaw na ng mga Davaoeños, iminungkahi ng Pangulo na gumawa ang mga lokal na opisyal ng malakas na oposisyon para magkaroon ng pagpipiliian ang mga tao. Hindi lang naman anya Duterte ang marunong.
“But if you think (that) Davaoeños are not already up to it, then by all means I suggest all their leaders put up a strong opposition so that the people will have a choice. Hindi lang Duterte ang marunong,” dagdag ng Pangulo.
Bago maupo bilang Presidente noong 2016, matagal na panahon na naging alkalde ng Davao City si Duterte.
Bukod kina Mayor Sara at Vice Mayor Baste, nanalo naman si Paolo bilang kongresista.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.