4 arestado sa magkahiwalay na operasyon sa Davao City

By Len Montaño June 22, 2019 - 12:56 AM

Credit: Santa Ana Police Station

Arestado ang apat na drug suspects sa magkakahiwalay sa buy bust operations sa Davao City.

Unang naaresto ang isang PUV driver na nakuhanan ng shabu na nagkakahalaga ng P1.5 milyon sa operasyon ng Santa Ana Police sa Purok 10, Sana Rafael, Barangay 9-A.

Ikinatwiran ng driver na kulang ang kanyang kita sa pamamasada at bago lamang siyang nagbebenta ng droga.

Sa hiwalay na operasyon ay naaresto ang tricycle driver na nakuhanan ng isang sachet ng shabu.

Dalawang suspek naman ang nahuli sa operasyon ng San Pedro Police kung saan tig-isang pakete ng shabu ang nakumpiska.

Mahaharap ang apat sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

TAGS: 4 arestado, buy bust, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Davao City, P1.5 milyong halaga, PUV driver, shabu, tricycle driver, 4 arestado, buy bust, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Davao City, P1.5 milyong halaga, PUV driver, shabu, tricycle driver

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.