Duterte nasa Thailand na para sa ASEAN Summit
Dumating na si Pangulong Rodrigo Duterte sa Bangkok, Thailand Biyernes ng gabi para dumalo sa 34th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.
Alas 7:07 ng gabi nang umalis ang Pangulo sa Davao City at dumating ito sa Bangkok alas 10:00 ng gabi.
Una rito ay sinabi ng Pangulo na tatalakayin niya sa ASEAN Summit ang pag-angkin ng China sa South China Sea.
Babanggitin ng Pangulo ang isyu sa kanyang pulong sa mga kapwa-lider ng ASEAN.
Tatanungin umano ng Pangulo kung tama ba para sa China na angkinin ang lahat ng mayayamang karagatan.
“I will talk lengthily about it sa ASEAN. It is not a matter of 9-dash line. Simple lang, can you claim an ocean as your own? Tell me now because I will also claim mine. I will talk lengthily about it sa ASEAN. It is not a matter of 9-dash line. Simple lang, can you claim an ocean as your own? Tell me now because I will also claim mine,” pahayag ng Pangulo sa oath taking ng mga bagong opisyal sa Davao City kabilang ang bunsong anak nito na si Baste Duterte na Vice Mayor-elect ng lungsod.
Ang Pilipinas ang coordinator ng ASEAN-China dialogue partnership hanggang 2021 kung saan pinangungunahan ng bansa ang paggawa ng draft ng code of conduct kauganay ng agawan ng teritoryo sa South China Sea.
“Is it correct for China to declare ownership of an ocean? I am the moderator for China and ASEAN, but I’m posing this question, ‘Can you claim ownership of an ocean?”
Ang pahayag ng Pangulo ay sa gitna ng batikos ng publiko kasunod ng pagbangga ng barko ng China sa bangka ng mga mangingisdang Pilipino sa Recto Bank.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.