Kotse ng VACC president, binaril sa Quezon City
Binaril ng hindi pa nakikilalang lalaki ang kotse ni Volunteers Againts Crime and Corruption (VACC) president Arsenio “Boy” Evangelista sa Quezon City, Biyernes ng hapon.
Ayon sa Kamuning police station, natagpuan ng asawa si Evangelista na si Evelina, 67-anyos, ang bullet hole sa bintana ng kanilang Toyota Vios na may plakang ZNH 413 habang nakaparada sa harap ng Kamuning Market sa bahagi ng Shianghio Street sa Barangay Kamuning bandang 1:30 ng hapon.
Dahil dito, humiling sa pulisya si Evelina Evangelista na magsagawa ng imbestigasyon sa insidente.
Pumunta ang mga tauhan ng Kamuning police station sa lugar at kumuha ng kopya ng CCTV footage sa Office of the Barangay Kamuning.
Lumabas sa video na isang maputing lalaki na nakasuot ng puting damit at pantalon ang responsable sa pamamaril sa kotse.
Tumakas ang suspek patungo sa T. Gener Street.
Narekober sa kotse ang isang slug mula sa hindi pa alam na baril.
Dinala ito sa Quezon Police District Scene of the Crime Operatives para sa isasagawang ballistic examination.
Patuloy naman ang imbestigasyon sa insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.