Mga nagsilikas sa Cabanatuan City nagsisibalikan na sa kanilang mga bahay

By Erwin Aguilon December 18, 2015 - 09:13 AM

cabanatuan nona effect  erwinNabawasan na ang mga residente ng Cabanatuan City na nasa evacuation center.

Ayon kay Cabanatuan City Mayor Jay Vergara, nasa 60 percent na lamang ng mga nagsilikas niyang kababayan ang nananatili sa mga evacuation center ng syudad.

Bagaman mayroon pa ring 24 na barangay na lubog sa baha na hanggang beywang at wala na anya silang isinasagawang rescue operation at puro relief efforts na lamang.

Sinabi ng alkalde na lagi naman silang may handang 10,000 food packs na kanilang ipinamimigay sa mga naapektuhan ng kalamidad.

Naibalik na naman anya ang supply ng kuryente sa lungsod at ang wala lamang ay ang mga barangay na lubog sa baha.

Nadadaanan na rin naman ayon kay Vergara ang Cabanatuan-San Leonardo-Pulilan Road simula kaninang alas otso ng umaga.

TAGS: Cabanatuan City, Evacuation center, NonaPH, Cabanatuan City, Evacuation center, NonaPH

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.