Tow truck, inararo ang bakod ng service road sa EDSA Cubao; Isang pampasaherong bus, nadamay

By Noel Talacay June 21, 2019 - 09:53 PM

Inararo ng isang tow truck ang bakod ng service road sa EDSA Cubao, Quezon City bandang 9:00, Biyenes ng gabi (June 21).

Ayon sa drayber ng tow truck, nawalan siya ng kontrol na naging dahilan ng tinamo nitong sugat dahil sa aksidente.

Tumagos ang tow truck na may hila-hilang bus sa bakod ng service road sa EDSA Cubao at nadamay ang isa pang pampasaherong bus.

Apektado ng aksidente ang tatlong lane sa lugar na dahilan na mas lalong pagbigat ng daloy ng trapiko sa kahabaan ng EDSA Cubao.

Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pinangyarihan ng aksidente.

Maliban sa drayber ng tow truck, himala namang walang nasaktan o sugatan sa pampasaherong bus.

TAGS: bus, edsa cubao, mmda, quezon city, tow truck, bus, edsa cubao, mmda, quezon city, tow truck

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.