WATCH: Mga nakikiramay sa pamilya ni Eddie Garcia, patuloy ang pagdating sa Heritage Park

By Jan Escosio June 21, 2019 - 09:05 PM

Kuha ni Jan Escosio

Patuloy ang pagdagsa ng mga nakikiramay sa pamilya ng batikang aktor na si Eddie Garcia sa Heritage Park sa Taguig City.

Pasado 4:00, Biyernes ng hapon, nang simulang buksan ang public viewing kasama ang media sa mga abo ni Garcia.

Chapel 3 at 4 ang inilaan para sa mga darating na makikidalamhati sa pagpanaw ni Manoy.

Naunang dumating sa burol ang ilang pulitiko tulad nina dating House Speaker Sonny Belmonte at Labor Secretary Silvestre Bello III.

Dumating din ang ilang mga nakatrabaho ni Eddie sa showbiz na sina Gloria Romero, Director Bibeth Orteza, Coco Martin, Yassi Pressman, Bianca Manalo, Jestoni Alarcon, Tirso Cruz III at iba pa.

Nagsagawa ng banal na misa para kay Manoy.

Nag-alay din ng masigabong palakpakan ang mga kaanak at kaibigan ni Eddie para sa hindi matatawarang kontribusyon sa telebisyon at pelikulang Pilipino.

TAGS: eddie garcia, Heritage Park, Taguig City, eddie garcia, Heritage Park, Taguig City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.