30 katao, patay sa sunog sa pabrika ng posporo sa Indonesia
Hindi bababa sa 30 katao ang nasawi sa sumiklab na sunog sa isang bahay na ginagamit bilang pabrika ng posporo sa North Sumatra, Indonesia.
Ayon kay Irwan Syahri mula sa local disaster mitigation agency ng Langkat district, kabilang sa mga nasawi ang tatlong menor de edad.
Karamihan sa mga biktima ay hindi na makilala dahil sa sunog.
Sinabi naman sa mga otoridad ng asawa ng isa sa mga nasawi na puro babae ang nagtatrabaho sa pabrika kung saan ang ilan ay dinadala ang kanilang mga anak.
Sinabi naman ni M. P. Nainggolan, tagapagsalita ng North Sumatra police, hindi pa malinaw kung ano ang naging sanhi ng sunog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.