Manila Water, magsasagawa ng ‘test pit restoration’ sa Quezon City – MMDA
Magsasagawa ang Manila Water Company Inc. ng “test pit restoration” sa Quezon City.
Apektado nito ang bahagi ng Commonwealth Avenue corner Villa Beatriz sa Old Balara.
Ito ay para ma-stabilize ang suplay ng tubig sa eastern portion ng Metro Manila.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) magsisimula ang operasyon bandang 10:00, Biyernes ng gabi (June 21) at tatagal hanggang 4:00, Martes ng madaling-araw (June 25).
Dahil dito, nag-abiso ang MMDA sa mga motorista na magkakaroon ng 15 araw na “pipelaying project” ang water concessionaire sa lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.