Pulis, konsehal timbog matapos mahulihan ng P3.4M shabu sa Pagadian City

By Angellic Jordan June 21, 2019 - 08:12 PM

Arestado ang isang pulis, konsehal at tatlong iba pa sa ikinasang buy-bust operation sa San Jose District sa Pagadian, araw ng Biyernes.

Ayon kay Cesario Judilla Jr., hepe ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Zamboanga del Sur, nakilala ang mga suspek na sina P/Sr. Master Sergeant Ricky Usman Sabturani na nakatalaga sa Basilan Police Provincial Office at Konsehal Omar Sadon ng Barangay Bayanga Norte sa bayan ng Matanog, Maguindanao.

Naaresto rin ang mga suspek na sina Juma Anas, Daniel Kusain at Jam Macaraya.

Lulan ang mga suspek ng isang Hi-Ace van na may plakang DAK 1806 nang maharang ng mga otoridad.

Nakuha sa mga suspek ang 18 malalaking pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P3.4 milyon at ilang marked money.

Ani Judilla, itinanggi pa ni Sadon ang pagkakasangkot sa ilegal na operasyon at sinabing wala siyang ideya sa transaksyon.

Giit pa aniya nito, kinuha lamang siya para magmaneho ng van mula Maguindanao at sunduin ang isang tao sa Pagadian Bus Terminal.

Itinanggi rin ni Sabturani na may kinalaman siya sa illegal drug trade.

Mahaharap sina Sadon at Sabturani sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga at kasong administratibo.

TAGS: Cesario Judilla Jr., Daniel Kusain, Jam Macaraya, Juma Anas, Omar Sadon, PDEA Zamboanga del Sur, Ricky Usman Sabturani, shabu, Cesario Judilla Jr., Daniel Kusain, Jam Macaraya, Juma Anas, Omar Sadon, PDEA Zamboanga del Sur, Ricky Usman Sabturani, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.