Sekyu, arestado dahil sa ilegal na pagpaputok ng baril sa Malabon

By Noel Talacay June 21, 2019 - 07:46 PM

Inaresto ang isang security guard matapos aksidenteng naiputok ang kanyang service firearms.

Nakilala ang suspek na si Manuel Mondejar Jr., 36-anyos, at residente ng Catmon, Malabon City.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, lasing ang suspek habang naka-duty bilang security guard sa isang gasoline station sa Malabon.

Aksidenteng naiputok ng suspek ang baril nito dahilan para matamaan ng bala ang biktima na si Kharen Barcenilla, 31-anyos at kahera ng gasolinahan bandang alas-9:30, Huwebes ng gabi (June 20).

Agad namang itinakbo sa malapit na ospital ang bikitma para lapatan ng lunas ang sugat na tinamo nito.

Mahaharap ang suspek sa kasong illegal discharged of firearms resulting to physical injury.

TAGS: illegal discharged of firearms resulting to physical injury, Malabon, Manuel Mondejar Jr., Security guard, illegal discharged of firearms resulting to physical injury, Malabon, Manuel Mondejar Jr., Security guard

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.