Pangmatagalang suplay ng tubig sa Metro Manila, dapat pag aralan – Poe
Kasabay ng banta ng krisis sa tubig, sinabi ni Senator Grace Poe na dapat nang magkaroon ng pag-aaral para matiyak ang pangmatagalang suplay ng malinis na tubig sa Metro Manila.
Aniya, dapat ay makahanap na ng pagkukuhanan ng malinis na tubig nang walang masamang epekto sa kalikasan.
Sinabi pa ni Poe na maaring mangailangan ng malaking halaga ngunit dapat na rin itong ikunsidera kung matitiyak naman na may malinis pang tubig ang mga susunod na henerasyon.
Umaasa din ang namumuno sa Senate Committee on Public Services na matitiyak pa rin ng water concessionaires na magkakaroon ng malinis na tubig ang mga maapektuhan sa pamamagitan ng mga water tanker.
Sinabi pa ni Poe na kung hindi bahay-bahay ang delivery ng tubig ay ilagay na lang ang mga water tanker sa strategic locations para makaigib ang mga apektadong konsyumer.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.