Ayon kay Undersecretary Camilo Gudmalin, hepe ng Special Concerns ng DSWD, ang naturang datos ay ang kabuuang bilang ng mga tinulungan ng ahensiya mula noong 2015 hanggang 2019 sa buong bansa.
Sa Report to the Nation forum ng National Press Club, sinabi rin ni Gudmalin na may 60,000 recipients ang kusa nang tumanggi sa tulong na 4Ps matapos na maka-graduate ang kanilang mga anak sa high school at kolehiyo.
Ngayong taong 2019 aniya, target ng DSWD na matulungan ang 4.4 million households bukod pa sa existing beneficiaries ng 4Ps.
Nabatid kay Gudmalin na mayroong P88 bilyong pondo ang DSWD na ang 90 porsiyento ay nakalaan sa mga benepisyaryo habang ang natitirang porsiyento ay inilaan para sa incremental operations.
Kasabay nito ay nilinaw ni Gudmalin na matatanggal lang ang isang benipisyaryo sa 4Ps kapag hindi ipina-enroll sa eskuwelahan ang kanyang anak, at napatunayang hindi na sila mahirap.
Sinabi ni Gudmalin na mayroon silang validator sa bawat 800 na households upang matukoy kung nagagamit na maayos ang mga benepisyo mula sa 4Ps.