Central Luzon at ilang lalawigan sa Northern Luzon, binaha

By Gina Salcedo December 18, 2015 - 08:45 AM

NONA DAM INQUIRER.NET
Inquirer File Photo

Napuno ng tubig ang mga water dams sa Central Luzon hanggang sa spilling level nito na naging sanhi naman ng pagbaha sa maraming coastal barangays.

Ang Angat Dam ay nagpakawala ng 60 cubic meters ng tubig kada segundo samantalang ang Bustos Dam naman ay mas naunang nagpakawala ng tubig sa Angat Dam.

Kabilang sa mga binaha ay ang mga barangay sa Nueva Ecija, Bulacan, Pampanga, Tarlac, kasama rin ang Aurora Province at lalawigan ng Isabela sa Northern Luzon.

Nasa 15 ang bilang ng nasawi mula sa dalawang rehiyon, Bicol at Mimaropa batay sa official report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Sa Mimaropa, 13 ang patay at pito rito ang mula sa Oriental Mindoro.

Nasa 34,143 katao pa rin ang nasa mga evacuation centers sa lalawigan ng Romblon, Oriental Mindoro at Occidental Mindoro. Sa kabuuan, ayon sa NDRRMC, nasa 53,850 katao ang nasa 248 evacuation center hanggang sa ngayon.

TAGS: Dam updates, NCRRMC, NonaPH effect, Dam updates, NCRRMC, NonaPH effect

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.