Mga otoridad ng Hong Kong, kulang sa respeto sa ginawa kay ex-DFA Sec. Del Rosario – Gordon

By Jan Escosio June 21, 2019 - 06:39 PM

Pinuna ni Senator Richard Gordon ang kawalan ng respeto ng otoridad sa Hong Kong dahil sa ginawa kay dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario.

Sinabi pa ni Gordon na maituturing ng harassement ang ginawa kay Del Rosario.

Aniya, hindi rin maitatanggi ang pagdududa nang ginawa sa dating kalihim ay may kinalaman sa naging pahayag nito ukol sa nangyaring insidente sa Recto Bank.

Pagdidiin pa ng senador, tila kinalimutan ng mga otoridad sa Hong Kong na ang maayos na pakikipag-relasyon sa isa’t isa ang hangad ng bawat bansa.

Umaasa si Gordon na hindi na dapat maulit pa ang pangyayari alang-alang sa matagal ng magandang relasyon mg Pilipinas at China.

TAGS: Albert Del Rosario, harassement, Hong Kong, Senator Richard Gordon, Albert Del Rosario, harassement, Hong Kong, Senator Richard Gordon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.