Justice Sec. Guevarra, inatasan ang DFA na alamin ang dahilan ng pagharang kay dating Foreign Affairs Sec. Del Rosario sa pagpasok sa Hong Kong

By Angellic Jordan June 21, 2019 - 05:05 PM

Bilang officer-in-charge ng bansa, ipinag-utos ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa Department of Foreign Affairs (DFA) na tignan ang kaso at tulungan si dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario.

Ito ay makaraang harangin si Del Rosario sa Hong Kong International Airport, Biyernes ng umaga.

Ayon kay Guevarra, humiling siya sa DFA na alamin ang rason ng pagharang kay Del Rosario at ibigay ang anumang tulong na kailangan sa dating foreign minister ng bansa.

Aniya, dapat naging malinaw sa kaniya ang leksyon sa sinapit ni dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales.

Si Guevarra ang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang officer-in-charge ng bansa habang siya ay nasa Thailand.

TAGS: dating Foreign Affairs Sec. Del Rosario, DFA, Hong Kong, Hong Kong International Airport, Justice Sec. Guevarra, dating Foreign Affairs Sec. Del Rosario, DFA, Hong Kong, Hong Kong International Airport, Justice Sec. Guevarra

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.