Klase sa Eastern Samar National Comprehensive High School, suspendido

By Angellic Jordan June 21, 2019 - 04:35 PM

Suspendido ang klase sa Eastern Samar National Comprehensive High School, araw ng Biyernes.

Ito ay bunsod ng mabahong amoy na dulot ng nabulok na seedlings sa isang research center malapit sa eskwelahan.

Sinabi ng mga guro na nagsimula ang hindi kaaya-ayang amoy sa Office of the Provincial Agriculture Services (OPAS) noong Lunes, June 17.

Nagdulot na rin ito ng pagkakasakit ng ilang estudyante dahilan para isugod sa kanilang klinika.

Iniulat na ng eskwelahan ang insidente sa pamahalaang lokal para aksyunan ang problema sa lugar.

TAGS: Eastern Samar National Comprehensive High School, nabulok na seedlings sa isang research center, suspendido, Eastern Samar National Comprehensive High School, nabulok na seedlings sa isang research center, suspendido

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.