Pulis patay sa pamamaril ng riding-in-tandem sa Quezon City

By Angellic Jordan June 21, 2019 - 03:45 PM

Patay ang isang pulis makaraang barilin ng riding-in-tandem malapit sa headquarters ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame, Quezon City, Biyernes ng umaga.

Ayon sa mga imbestigador, kinilala ang biktima na si Police Staff Sergeant Fernando Diamzon, 49-anyos at miyembro ng PNP-Intelligence Group.

Batay sa ulat ng Cubao Police Station ng Quezon City Police District (QCPD), nakasakay si Diamzon sa kaniyang asul na Yamaha NMAX nang pagbabarilin ng mga gunman sa bahagi ng Col. Bonny Serrano Avenue, Barangay Bagong Lipunan bandang 8:50 ng umaga.

Nakasuot ng itim na helmet ang mga suspek at nakasakay sa kulay gray na Yamaha NMAX.

Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang pitong basyo ng hindi pa alam na baril.

Mabilis namang nakatakas ang mga responsable sa krimen.

Sa ngayon, patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon sa pamamaril.

TAGS: Camp Crame, malapit sa headquarters ng PNP, Pamamaril, Pulis patay, QC, riding in tandem, Camp Crame, malapit sa headquarters ng PNP, Pamamaril, Pulis patay, QC, riding in tandem

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.