Ayon sa talaan ng Department of Agriculture, aabot sa mahigit sa dalawampung libong hektarya ng agrikultura ang napinsala kung saan mahigit sa tatlumput limang metriko tonelada ng produksyon ng bigas, mais, cassava, iba pang mga high value crops, livestocks at pangisdaan.
Mula naman ang mga nasirang panananim sa region 4-A, 4-B, 5 at 8.
Pinakamalaki sa mga nasira ay ang high value crops habang sunod ang tanim na palay.
Tinitignan naman ngayon ng kagawaran kung mayroon pang maisasalba sa mga nasirang pananim dahil sa bagyong Nona.
Kompyansa naman ang DA na hindi raw makakaapekto sa presyo ng mga pangunahing bilihin ang pinsalang inabot ng ilang lalawigan mula aa kalamidad.