Pinsala ng bagyong Nona sa agrikultura, higit na sa P700 milyon

By Erwin Aguilon December 18, 2015 - 08:34 AM

nona effec erwin twitterUmaabot na sa mahigit sa P732 million ang halaga pinsala sa sektor ng agrikultura kasunod ng pananalasa ng bagyong Nona.

Ayon sa talaan ng Department of Agriculture, aabot sa mahigit sa dalawampung libong hektarya ng agrikultura ang napinsala kung saan mahigit sa tatlumput limang metriko tonelada ng produksyon ng bigas, mais, cassava, iba pang mga high value crops, livestocks at pangisdaan.

Mula naman ang mga nasirang panananim sa region 4-A, 4-B, 5 at 8.

Pinakamalaki sa mga nasira ay ang high value crops habang sunod ang tanim na palay.

Tinitignan naman ngayon ng kagawaran kung mayroon pang maisasalba sa mga nasirang pananim dahil sa bagyong Nona.

Kompyansa naman ang DA na hindi raw makakaapekto sa presyo ng mga pangunahing bilihin ang pinsalang inabot ng ilang lalawigan mula aa kalamidad.

TAGS: Agriculture, Depratment of Agriculture, NonaPH effect, Agriculture, Depratment of Agriculture, NonaPH effect

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.