11 naospital dahil sa fogging operation

June 26, 2015 - 01:02 PM

karuhatanIsinugod sa Ospital ang labing isang residente ng Barangay Karuhatan, Valenzuela City matapos maapektuhan ang kanilang paghinga dahil sa isinagawang fogging operations, Biyernes ng umaga.

Maliban sa pagkahilo, ang ilan sa mga residente na dinala sa Valenzuela Medical Center ay dumaing ng hirap sa paghinga, paninikip ng dibdib at pag-ubo makaraang malanghap ang kemikal na ginamit para sa pagpapausok.

Kabilang sa mga biktima ang tatlong bata na edad 3, 7 at 11. Mayroon ding isang buntis na kasamang dinala sa Ospital.

Ayon kay Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, ilan sa mga batang dumaing ng hirap sa paghinga ay may sakit na hika. Inatake umano sila ng kanilang asthma nang malanghap ang usok.

Ang fogging operations ay bahagi ng anti-dengue campaign ng lokal na pamahalaan lalo ngayong panahon na ng tag-ulan at inaasahan ang pagdami ng kaso ng sakit.

Inumpisahan ang fogging operations sa Barangay Karuhatan alas 6:00 ng umaga. Habang nagsasagawa ng fogging agad nahilo ang ilang residente at nahirapang huminga./ Jan Escosio

TAGS: fogging operation, karuhatan valenzuela, Radyo Inquirer, fogging operation, karuhatan valenzuela, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.