Babae patay sa pamamaril sa Pangasinan

By Angellic Jordan June 21, 2019 - 03:21 PM

Patay ang isang babae makaraang pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek sa Sison, Pangasinan Huwebes ng gabi (June 20).

Ayon sa mga imbestigador, mabilis nakatakas ang suspek matapos ang pamamaril sa Barangay Poblacion Sur bandang 9:30 ng gabi.

Sinabi ng pulisya na nagtamo ang hindi pa nakikilalang biktima ng multiple bullet wounds.

Isinugod pa sa ospital ang biktima ngunit idineklara ring dead-on-arrival sa Pozorrubio Community Hospital.

Ang biktima na posibleng may edad 16 hanggang 19 ay nakasuot ng t-shirt, asul na short pants at dilaw na tsinelas nang mangyari ang krimen.

Sa ngayon, patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon sa pamamaril.

TAGS: Babae patay, Barangay Poblacion Sur, Pamamaril, pangasinan, Babae patay, Barangay Poblacion Sur, Pamamaril, pangasinan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.