Insidente sa Recto Bank hindi kailangang talakayin sa ASEAN Summit – Lopez
Inihayag ni Trade Secretary Ramon Lopez na hindi kailangang talakayin sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit ang insidente sa Recto Bank sa West Philippine Sea kung saan nabangga ng Chinese vessel ang bangkang pangisda ng mga Filipino.
Naniniwala si Lopez na ang insidente ay isyu sa pagitan ng Pilipinas at China lamang.
Hindi aniya bahagi ng insidente ang gobyerno ng dalawang bansa dahil mga pribadong mangingisda ang sangkot dito.
Wala rin aniyang Navy ship na sangkot sa banggaan.
Dahil dito, sinabi ng kalihim na dapat maging mahinahon sa insidente at huwag idamay ang mga gobyerno.
Mas mabuti rin aniyang hintayin ang resulta ng isinasagawang imbestigasyon sa insidente.
Bahagi si Lopez ng delegado ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa 34th ASEAN Summit sa Thailand.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.