P50,000 tulong-pinansyal ibinigay ni VP Robredo sa bawat mangingisda ng F/B Gem-Ver 1

By Angellic Jordan June 21, 2019 - 03:15 PM

Sa pagbisita sa 22 mangingisdang Filipino ng F/B Gem-Ver Uno, nagbigay si Vice President Leni Robredo ng P50,000 na tulong-pinansyal sa bawat mangingisda.

Ayon sa opisina ni Robredo, nagmula ang pondo sa anti-poverty program Angat Buhay ng Office of the Vice President (OVP).

Ang Angat Buhay program ay umaasiste sa mga komunidad na may pangangailangan sa bansa.

Binisita ng bise presidente ang mga mangingisda sa San Jose, Occidental Mindoro para personal na kumustahin at makausap.

Sa isang panayam kay Insigne, sinabi nitong walang sinabi si Robredo at nakinig lamang sa kanilang mga kwento.

Matatandaang nakatanggap din ang mga mangingisda ng P45,000 na tulong-pinansyal, fiberglass boat na may makina at kagamitan, bigas, ilang de lata, scholarships para sa kanilang mga anak at livelihood assistance mula sa administrasyong Duterte.

TAGS: 22 mangingisdang Filipino, Angat Buhay ng Office of the Vice President, F/B Gem-Ver Uno, VP Robredo, 22 mangingisdang Filipino, Angat Buhay ng Office of the Vice President, F/B Gem-Ver Uno, VP Robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.