Dating foreign Affairs Sec. Albert del Rosario hindi na pinapasok ng Hong Kong

By Jan Escosio June 21, 2019 - 01:55 PM

Tinabla ng Hong Kong Immigration Bureau ang diplomatic passport ni dating Foreign Secretary Albert del Rosario.

Matapos ang limang oras na pag ipit sa kanya, pinagsabihan na si Del Rosario na hindi na ito makakapasok pa ng Hong Kong.

Ayon sa dating opisyal hindi naman ipinaliwanag sa kanya ang dahilan ng pagbabawal sa kanya na makapasok ng Chinese territory.

“After holding me for six hours, they are denying entry. That means that the diplomatic passport (I am holding) is not being honored and they refused to give the reason why” Ayon kay del Rosario sa panayam ng Inquirer sa telepono.

Samantala, tumanggi si Philippine Consul General to Hong Kong Antonio Morales na magbigay ng pahayag hinggil sa
nangyari kay Del Rosario.

Hinarang sa Hong Kong Airport kaninang alas-7:40 ng umaga si Del Rosario.

Dadalo sana ito sa mga pulong ng First Pacific kung saan kabilang siya sa mga board member kayat nagtungo siya sa
Hong Kong.

TAGS: dating Foreign Secretary Alber, Del Rosario, DFA, diplomatic passport, Hong Kong, Hong Kong Immigration Bureau, Philippine Consul General to Hong Kong Antonio Morales, dating Foreign Secretary Alber, Del Rosario, DFA, diplomatic passport, Hong Kong, Hong Kong Immigration Bureau, Philippine Consul General to Hong Kong Antonio Morales

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.