Foreign travels ng DOJ officials baka mabawasan ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra

By Jan Escosio June 21, 2019 - 02:45 PM

Posibleng limitahan na ang pagbiyahe sa ibang bansa ng mga opisyal at kawani ng Department of Justice (DOJ).

 

Ito ay kasunod ng rekomendasyon ng Commission on Audit (COA) matapos masilip ang foreign travels ng mga taga-DOJ.

Sinabi ni Justice Sec. Menardo Guevarra na ang maaring limitahan ay ang pagdalo nila sa international conferences.

Paliwanag ng kalihim ang pagbiyahe nila sa ibang bansa ay para sa mga pandaigdigang pagpupulong tulad ng mga sesyon sa UN agencies, ASEAN regional meetings at Bilateral Negotiations on Legal Cooperation.

Dagdag pa nito napakahalaga ng mga naturang pulong ay malaking tulong sa pagtupad sa kanilang mga mandato.

Sa COA report may 14 opisyal ng kagawaran ang napadalas ang pagbiyahe sa ibang bansa noong nakaraang taon.

Gumasta ang DOJ sa mga official foreign travels ng P6.19 million.

TAGS: COA, DOJ, DOJ officials, Foreign travels, Justice Sec. Menardo Guevarra, COA, DOJ, DOJ officials, Foreign travels, Justice Sec. Menardo Guevarra

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.