LOOK: Mga bagong riles ng MRT-3 darating na sa bansa sa susunod na buwan
Ilang buwang mapapaaga ang pagdating sa bansa ng mga bagong riles ng MRT-3.
Ayon sa Department of Transportation, 50% ng mga riles ang darating sa buwan ng Hulyo at Agosto.
Kahapon, inispeksyon ng DOTr – MRT 3 Factory Acceptance Team sa pangunguna ni MRT3 for Operations Director Michael Capati sa Nippon Steel sa Fukuda, Japan.
Ang mga bagong riles ay bahagi ng rehabilitasyon na isinasagawa sa MRT3.
Sinabi ng DOTr na oras na matapos ang rehabilistasyon, aabot sa 20 ang operating trains tuwing peak hours, magiging 60 kph ang takbo nito at mababawasan din ang waiting time sa 3.5 minutes.
Bukod dito, magiging doble rin anila sa 650,000 ang pasahero na kayang isakay ng MRT3 kada araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.