Kampo ni Duterte, masaya sa desisyon ng Comelec

By Isa Avendaño-Umali December 18, 2015 - 03:45 AM

 

Inquirer file photo

Masaya ang kampo ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa desisyon ng Commission on Elections o Comelec na tanggapin ang Certificate of Candidacy o CoC ng alkalde bilang substitute ni Martin Diño.

Ayon kay Davao City Rep. Karlo Alexei Nograles, ang 6-1 decision ng Comelec ay mag-aalis ng duda ng mga botante na sangkot ang poll body sa anumang ‘shenanigans’ o mga operasyong gaya ng sinasabing “Last Man Standing”.

Iginiit ni Nograles na dapat bigyan ng pagkakataong makatakbo sa eleksyon ang lahat ng kuwalipikadong kandidato at hayaan ang mga botante na pumili ng gusto nilang mahalal na pangulo.

Mas mainam din aniya ito kaysa i-disqualify ang mga kalaban sa usapin ng technicalities.

Kasunod pa rin ng desisyon ng Comelec, sinabi ng Kongresista na handa na silang mangampanya at ipaliwanag sa publiko ang klase ng pamumunong nais ni Duterte.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.