Green Sea Turtle na may tama ng pana nailigtas sa Boracay
Nailigtas ng mga residente sa Boracay ang isang green sea turtle na may tama ng pana sa katawan.
Nakita pa ng mga residente na nakatusok sa kaliwang ng sea turtle ang
arrow na pinaniniwalaang mula sa speargun.
Malalim ang sugat na tinamo ng sea turtle mula sa pana at maaring naapektuhan maging ang internal organs.
Nasa pangangalaga ngayon ng isang non-government organization ang sea turtle.
Ayon kay Boracay marine biologist Haron Deo Vargas, mahinang-mahina ang sea turtle at ginagawa ang lahat upang ito ay mailigtas.
Ang green sea turtle ay itinuturing nang endangered.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.