16-anyos na estudyante timbog sa tangkang pagbebenta ng baril sa Occidental Mindoro

By Dona Dominguez-Cargullo June 21, 2019 - 10:04 AM

Arestado ang isang babaeng estudyante matapos magtangkang magbenta ng baril sa isang junkshop sa Magsaysay, Occidental Mindoro.

Ayon kay Lt. Col. Socrates Faltado, MIMAROPA Police Information Officer, ang 16 anyos na estudyante ay dinakip sa Barangay Poblacion.

Nagsumbong mismo sa mga pulis ang nasa junkshop at sinabing may nagbebenta ng baril sa kanila pero hindi nila ito tinanggap.

Agad hinanap ang suspek at nakita ito sa plaza sa bayan.

Nang tignan ang kaniyang backpack ay natagpuan ang kalibre 45 na baril na walang lisensya.

Inaalam pa ngayon kung saan nakuha ng estudyante ang armas.

TAGS: caliber 45, firearm, Mindoro Occidental, student arrested, caliber 45, firearm, Mindoro Occidental, student arrested

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.