12 to 17 hours water service interruptions ipatutupad na ng Manila Water

By Dona Dominguez-Cargullo June 21, 2019 - 09:42 AM

Sa panig ng Manila Water, halos lahat na ng consumer nito sa Metro Manila ay makararanas ng water interruption.

Ayon kay Manila Water Communications Manager Dittie Galang, simula hatinggabi mamaya ipatutupad na ang bawas sa alokasyong tubig para sa domestic use.

Ibig sabihin 36 cubic meters per second na lang ang tubig na ilalabas ng Angat Dam para sa suplay ng tubig sa Metro Manila, Rizal at Cavite.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, kung dati ay 8 hanggang 12 oras lamang ang ipinatutupad nilang water service interruptions, ngayon ay aabot na ito sa 12 to 17 hours.

Bagaman mayroon ding water tankers ang Manila Water na magrarasyon ng tubig, prayoridad naman nito ang mga paaralan at mga ospital.

Payo ni Galang sa mga, dahil may mga oras pa naman na may suplay sila ng tubig, mag-ipon na ng sapat sa kanilang pangangailangan para hindi na nila kailangang mag-abang ng rasyon at pumila sa tanker.

TAGS: Dittie Galang, manila water, Radyo Inquirer, water service interruptions, Dittie Galang, manila water, Radyo Inquirer, water service interruptions

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.