Robredo, todo pagtatanggol sa kanyang ka-tandem na si Roxas

 

Inquirer file photo

Ipinagtanggol ni Camarines Sur Rep. Leni Robredo ang kanyang katambal na si Dating DILG Secretary Mar Roxas sa gitna ng iringan nito kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Ayon kay Robredo, nakakalungkot na humantong sa mainit na word war sina Roxas at Duterte, na parang binaba nila ang kanilang lebel.

Pero para kay Robredo, maaaring tama lamang ang pag-buwelta o paglaban ni Roxas kay Duterte dahil na-bully ang Liberal Party standatd bearer sa 2016 elections.

Umaasa na lamang si Robredo na mas magpo-focus na lamang ang dalawang aspirants sa mga mahahalagang isyu at ititigil na ang palitan ng maaanghang na mga salita.

Aniya pa, napakaraming problema ang Pilipinas na mas nararapat na i-discuss, sa halip ang away nina Roxas at Duterte.

Read more...