WATCH: Maria Ressa tampok sa “I Rise” video ni Madonna

By Dona Dominguez-Cargullo June 21, 2019 - 08:21 AM

Kasama si Rappler CEO Maria Ressa sa itinampok video ng kantang “I Rise” ni Madonna.

Sa nasabing video, tinatalakay ang iba’t ibang usapin sa mundo kabilang ang same sex marriage, mass killings, refugees, at mga batang apektado ng mga kaguluhan.

Sa bahagi ng video kung saan tinalakay ang usapin sa press freedom ay pinakita si Maria Ressa habang kinakapanayam ng media.

Ang “I Rise” ay bahagi ng 14th studio album ni Madonna na Madame X kung saan layong bigyang pugay ang mga taong nagagawang paglabanan ang iba’t ibang pagsubok na kinakaharap.

Nakipag-partner si Madonna sa TIME Studios para lumikha ng video upang talakayin ang spirit of resilience.

Si Peter Matkiwsky ang nag-direk ng video kung saan itinampok din ang kuha ng mga survivor sa Parkland shooting, LGBTQ supporters, women’s rights protesters, si Olympic gymnast Aly Raisman at maraming iba pa.

TAGS: I Rise, Madonna, Maria Ressa, music video, I Rise, Madonna, Maria Ressa, music video

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.